Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kiko tinalakan ang mga basher ni Sharon

0 726

Muling naglabas ng kanyang mensahe si Senator Kiko Pangilinan, may kaugnayan pa rin sa paninira at pagbabanta sa anak nila ni Megastar Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan.

Sa pagkakataong ito, bilang depensa sa kanyang asawa na si Sharon. Diretsahang sinabi nito na tumigil daw ang mga against sa naging outburst ni Sharon sa social media dahil nga sa bantang pangre-rape kay Frankie ng isang netizen.

Ayon kay Sen. Kiko, “Sa mga iilan na pumupuna sa mga naging bitiw na salita ni Sharon dahil sa mga paninira at pananakot kay Frankie galing kay Mr. Alcos, tumigil nga kayo at hindi naman kayo ang nanay ni Frankie para malaman ang saloobin niya bilang Ina. Nanay siya at pahayag ito ng isang Nanay na nagaalala. Tumigil kayo dahil hindi matinong tao ang papanig sa mga troll at mga nang-iinsulto at nagtatangkang manakit ng kapwa. Puede ba?”

Nagpasalamat din naman ito sa maraming sumusuporta sa kanilang pamilya, lalo na sa laban ni Frankie ngayon. Laban na ang hangad ng mga sumusuporta sa kanila ay gawing legal at idemanda na nga ang mga taong nambabastos at nananakot dito.

Magalona maraming hugot

Hanggang ngayon ay nasa Bali, Indonesia pa rin si Maxene Magalona kasama ang Mister nito na si Robby Mananquil. Bago mag-quarantine ay nasa Bali na ang dalawa para sa patuloy nilang pagsasaliksik ng kanilang yoga at vegan life. Hanggang sa abutin na nga sila ng lockdown sa naturang bansa.

Talagang niyakap na ni Maxene ng buong-buo ang ganitong lifestyle. Ayon din kay Maxene, malaking bagay ang kanyang Mister sa kanyang healing process.

Kapag binabasa namin ang mga IG post ni Maxene, halatang ang dami nitong “dala” na unti-unting naa-unload.

“I always thought of myself as strong and independent and was too proud to admit that I needed help but I guess, God saw just how lost I was and wanted me to find my way home the day he brought Rob into my life,” sabi pa ng anak ng nasirang si Francis Magalona.

Instagram ni Glaiza biglang nawala

Na-hacked ang Instagram account ni Glaiza de Castro. Kapag pinuntahan ang IG account nito, “user not found” at “no posts yet” ang makikita na lang sa dating may mahigit 1 million followers na sana niya.

Maraming fans ang nagre-report at nagagalit sa ginagawang pagha-hacked sa account ni Glaiza de Castro. Kaya nag-tweet ito nang, “Anyway gaiz, try na muna nating mag chill, may mga tumutulong naman at sobrang nakaka bawas ng stress. Pero medyo nakakapraning lang.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.