Una sa Balita

Kiko tamang-duda sa NFA; rice crisis pinatatalupan sa Senado

By
0 178

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Kiko Pangi­linan ang rice crisis sa Zamboanga City at ang walong buwan nang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa.

Sa panukalang Se­nate Resolution No. 868, iginiit ni Pangi­linan at isa pang co-author ang pagsasagawa ng investigation in aid of legislation sa natu­rang usapin.

Nais ng dalawang mambabatas na pagpaliwanagin at papanagutin ang National Food Authority (NFA) sa kakapusan ng suplay ng bigas, ang sinasabing hoarding, at ang nangyari sa Zamboanga City na umabot sa ‘calamity level’.

Dapat din anilang ipaalam ng NFA sa publiko ang mga paraan nila upang maresolba ang krisis at upang masawata ang anumang plano ng mga tiwa­ling negosyante para manipulahin ang sitwasyon.

Bukod sa Zamboanga City, inilagay na rin sa state of calamity sa loob ng 60-araw ang Isabela City at Basilan dahil sa rice shortage.

Nakasaad sa reso­lusyon na batay sa Philippine Statistics Authority, naitala ang pataas na presyo ng bigas sa nakalipas na walong buwan.

Batay anila sa tala, nasa siyam hanggang 13 porsiyento ang na­ging pagtaas ng presyo ng regular at well milled rice.

Si Pangilinan ay naging Presidential Assistant on Food Security and Agricultural Modernization noong Aquino administration at naging responsable para makontrol ang presyo ng bigas kahit sa panahon ng El Niño phenomenon.