Una sa Balita

Kiko pinalalayas ni Sharon

0 1,042

PINALALAYAS na ni megastar Sharon Cuneta sa kanilang bahay ang mister nitong si Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ito ni Pangulong Duterte habang binabatikos si Pangilinan at sa batas na iniakda nito na nagpataas sa age of criminal liability sa 15-anyos.

Diin ni Duterte, handa siyang mag-resign sa puwesto kung hindi siya nagsasabi ng katotoha­nan hinggil sa tunay na score ng relasyon ng mag-asawa.

“Pinapaalis na nga ng asawa niya sa bahay niya, ayaw kay wala ibang matirahan. Totoo tanungin mo,” saad ng pangulo sa kanyang Bonifacio Day speech sa Caloocan nitong Sabado.

“At kung sabihin mo nagsisinungaling ako, I will resign. Ang sinasabi ko totoo yan,” dagdag pa niya.

Taong 2017 huling nagpahiwatig si Sharon sa Facebook hinggil sa pinagdadaanan nitong problema. Lumipad ito patungong Amerika at iniwan ang kanyang asawa sa bansa.

Nagkataon din na naging viral sa social media ang altered photo ng kanyang asawa at ni Sen. Risa Hontiveros na magkahawak kamay umano habang naglalakad.

Itinanggi ni Sharon na may third party sa kanilang relasyon at kalaunan ay sinabing nagkaa­yos na sila ng kanyang mister.

Kuwentong kutsero lang ‘yan — Kiko

Sagot naman ni Pangilinan, kuwentong kutsero lang ang sinabi ni Pangulong Duterte.

“Huwag na patulan ang hindi totoo at katawa-tawang kuwentong kutsero,” text ng senador sa Abante.

Nagpost din si Sharon sa Instagram at nanindi­gang walang katotohanan ang pinagsasabi ng ­pangulo na tinatawag niyang “Tatay.”

Ayon sa megastar, nalaman lang niya ang isyung ito sa kanyang anak na si Frankie na nasa Estados Unidos habang silang mag-asawa naman ay nasa farm sa Cavite kasama sina Miel at Miguel at mag-asawang sina Zsa Zsa at Conrad.

Aniya, pagkatapos ng May 2019 elections ay hindi pa sila nagkakausap ni Pangulong Duterte kaya nagtataka siya kung bakit may ganitong pahayag ang pangulo.

“If my husband and I separate, you’ll hear it from me!” diin ni Shawie.
Dagdag pa niya, baka nagbibiro lang si Pangulong Duterte sa sinasabing hiwalayan nilang mag-asawa.

“Tatay likes to joke sometimes, as you all know, because Kiko’s in the Opposition. He has joked a few times against Kiko and about me in the past. Please rest assured that all is fine with my family.” saad ni Sharon.

Nauna rito ay nag-tweet ang anak ng mag-asawa na si Frankie hinggil sa sinabi ng Pangulo. “Hala buti pa siya alam!”

Nagbiro pa si Frankie na maging siya ay pinalayas ng kanyang ina sa kanilang bahay.

“Actually kaya po ako nasa NYC pati po ako nada­may ayaw na daw po ako @home,” tweet ni Frankie na kasalukuyang nag-aaral sa Amerika.

Si Pangilinan ay miyembro ng oposisyong Libe­ral Party (LP) pero sa kabila nito ay magkaibigan naman sina Sharon at ang presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More