Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kiko ‘kuryente’ sa presyo ng Sinovac – Galvez

0 202

Kinontra ni vaccine czar at National Task Force on COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez ang pahayag ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na mas mahal ang presyo ng bakuna mula sa China kumpara sa ibang COVID vaccine.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Galvez na mali ang impormasyon ni Senador Pangilinan na times five ang presyo ng Chines vaccine kumpara sa ibang mga bakuna.

Mas mura pa aniya ang presyo ng Sinovac kumpara sa Moderna kaya walang batayan ang pahayag ni Pangilinan.

“Mali po yung impormasyon ng senador dahil ‘yung Sinovac kapresyo niya ang Novovax, kapresyo nya ang Gamaleya , kapresyo nya ang ibang vaccines. Yung sinasabing five times, mali po yon,” ani Galvez.

Ipinaliwanag ng kalihim na dahil sa tulong Chinese Ambassador sa Pilipinas, naibigay sa Pilipinas ang pinakamagandang presyo at hindi totoong pinakamahal ito sa lahat ng COVID vaccine.

“Very fair po ang treatment namin sa Sinovac dahil ibinagsak nya po yung presyo, ibinigay yung best price sa pamamagitan ng Chinese Ambassador. Nasa middle po ang Sinovac, mas mura po siya sa Moderna, mas mura siya sa ibang vaccines ng US,”dagdag ni Galvez.

Nauna rito inihayag ni Senador Pangilinan na mataas umano ang presyo ng Sinovac vaccine subalit hindi masyadong mabisa kaya nais nitong kanselahin ng gobyerno ang pagbili sa mga nabanggit na bakuna.(Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.