Una sa Balita

Kiko Estrada hindi masaya sa GMA

0 1,600

abante-talbog-joe-barramedaNagulat naman ako nung malaman ko na balik ABS-CBN na si Kiko Estrada. Okay naman siya sa GMA at magagandang project ang binibigay sa kanya.

Ayon sa nakuha kong tsika ay hindi raw masaya si Kiko sa mga role na ibi­nibigay sa kanya ng Kapuso Network kaya nag-decide itong bumalik sa Kapamilya network.

May nagsabi sa amin na kaya niya iniwan ang Kapamilya network noon ay dahil meron siyang natanggap na hindi magandang proposal kaya nag-decide siyang pumunta sa Kapuso network.

Ngayon balik siya doon! Naku… Well…

 

Vicky Morales super iyak sa ‘Wish Ko Lang’

 

Sixteen years na ngang nagbibigay liwanag at tulong ang Wish Ko Lang sa mga sumusulat sa kanila at nitong mga nakaraang araw ay hindi mapigilan ng host na si Vicky Morales na mapaiyak o maging emosyonal nung dalawin siya ng maraming natulungan ng prog­rama para magpasalamat muli sa mga tulong ng Wish Ko Lang sa kanila at dahil dito ay nabago ang buhay nila.

Si Vicky ay mula sa buena familia at lumaki sa isang exclusive subdivision pero hindi ito naging hadlang na maramdaman ang hirap ng mga kapuspalad at kaya naman sobra ang pagtulong niya at ng kanyang mga staff ng programang Wish Ko Lang ng GMA 7.

Kaya sa anniversary month ng Wish Ko Lang ay tampok ang mga lead stars ng GMA sa mga episodes ng nasabing programa.

 

Jessy talunan sa mga basher

 

All the while akala ko naman ay masayang-masaya ang lead actress ng The Girl With The Orange Dress na si Jessy Mendiola sa piling ni Luis Manzano. Nagulat kami nang mapaiyak ito sa presscon ng The Girl With The Orange Dress dahil sa mga bash na natatanggap niya sa mga maliligalig na mga netizen.

Bilang public figure ay dapat siguro maging matatag siya at ‘wag magpapadala sa mga negative na mensahe lalo na sa mga taong hindi naman alam ang pagkatao niya. Kung magpapadala siya sa mga basher ay siya ang talo. As long as marami ang sumusuporta sa iyo lalo na ng network na pinaglilingkuran mo ay magpasalamat ka at sila ang tumutupad ng pangarap mo bilang artista.

Dapat gayahin mo si Luis na sinasakyan ang pamba-bash o sinasagot sa pamamagitan ng biro na may laman. At doon tumatameme ang mga basher.

Si Jericho Rosales ang partner ni Jessy sa The Girl With The Orange Dress ng Quantum Films na pambato nila sa MMFF sa Dec 25.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy