Kikiam isinuka sa SEAG menu
MATAPOS ulanin ng kritisismo dahil sa umano’y pagpapakain ng ‘kiksilog’ o kikiam, sinangag, at itlog sa Philippine women’s football team na Malditas kamakalawa ay nangako mismo si Philippine Football Federation (PFF) President Mariano ‘Nonong’ Araneta na hindi na ito mauulit at titiyaking masustansiya ang kakainin ng mga atleta.
“Even the parents of some of the players are helping out in making sure that we get enough food for the women’s team,” sabi ni Araneta sa kanyang pagdalo sa weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa Amelie Hotel-Manila.
Matapos ang isyung ito, nais na ng football federation head na magpokus na ang mga atleta sa kanilang mga laban.
“We want to move on and focus on the competition,” patuloy ni Araneta, na kasama rin sa weekly sports forum na suportado ng San Miguel Corporation, Braska Restaurant, Amelie Hotel at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) si Azkals team manager Dan Palami.
Related Posts
“Right now, we just have to help each other and also support our athletes.”
Katakot-takot na pamba-bash mula sa mga netizen ang inabot ng nag-oorganisang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) dahil sa insidenteng ito.
Maging ang Malakanyang ay nagalit na rin kaugnay rito.
“Kinakain lang (ang kikiam) kapag wala nang makain,” sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
“We have been augmenting what is necessary. There are well-meaning individuals and companies that are willing to help us to make this SEA Games successful,” panapos nito. (Ferdz Delos Santos)