Una sa Balita

‘Kiki Dance’ ni Zion pasabog sa Abante Online

0 566

abante-anything-goes-jun-lalinNoong Sunday evening, duma­law ako sa dubbing ni Richard Gutierrez ng Fantastica, The Princesses, The Prince and The Perya. Kasama pala ni Richard sina Sarah at Zion.

Dumating din ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama kasama ang apong si Aria.

“Nandito ang lahat, hindi ba darating si Ate Ruffa?!” sey ni Richard.

Ayaw naman naming makaistorbo sa dubbing ni Richard, kaya nagyaya na lang si Bisaya na kumain muna sa isang restaurant sa baba ng dubbing studio.

While eating and chatting, aba, biglang nagsayaw si Zion. Hindi ko nakunan ng video ang pagsasayaw ng bata, kaya pinaulit ni Bisaya sa kanyang apo ang pagsasayaw nito.

“Sige na, Zion, you dance again for Tito Jun, I will give you a toy,” sey ni Bisaya sa apo.

Pumayag naman si Zion at nag-“Kiki Dance” ito sa akin.

Ilang beses pinaulit-ulit ni Bisaya ang pagki-“Kiki Dance” ni Zion na ang bata pa mismo ang kumakanta, kaya lalong natuwa ang lahat ng mga kasama namin.

After, sabi ni Zion sa kanyang lola,”Lola you will give me three toys na, kaya three times na ako nag-dance!”
‘Katuwa talaga.

Anyway, nire-reserve ko ang “Kiki Dance” ni Zion either sa guesting ni Sarah or ni Richard sa aking online show sa Abante News Online on Facebook, na sana ay very soon na!

Pauleen, Sarah super chikahan

Sa dressing room ng Eat Bulaga kahapon ay nagkita sina Sarah Lahbati at Pauleen Luna. Napansin ni Sarah ang pagpayat ng misis ni Vic Sotto.

Sabi ni Pauleen, nagda-diet siya.

Super tsikahan ang dalawa at kung anu-ano ang naging topic nila.

Mukhang masaya rin si Pauleen na nasa Eat Bulaga si Sarah at nagpi-pinch hit for ­Luane Dy na nasa Hawaii ngayon at ine-enjoy ang iba’t ibang mga dagat doon.

Angeline gustong maka-duet si Regine sa ‘ASAP’

Lumapit nga pala sa table namin si Angeline Quinto na nasa restaurant din na ‘yon.

Sabi ko kay Angeline, ngayong nasa ABS-CBN na rin ang idol niyang si Regine Velasquez-Alcasid ay dapat lang na mag-duet silang dalawa.

“Sana nga,” sabi ni Angeline na obvious na excited na “Kapa­milya” na rin niya sa ABS-CBN ang kanyang idol.

Sabi pa ni Angeline, “Kasama namin si Ate Reg sa ASAP sa Sydney, ang saya!”

Marami talaga sa Kapamilya stars ang excited na kasama na nila sa Dos ang misis ni Ogie Alcasid!

 

ABS-CBN big winner sa Star Awards for TV

Pinuntahan ko naman si Raymond Gutierrez sa hosting stint niya sa Star Awards for Television noong Sunday night sa Henry Lee Irwin Theater.

Kasamang nag-host ni Raymond sina Jodi Sta. Maria, Julia Barretto, Robi Domingo at Yassi Pressman.

In fairness, mabilis naman ang facing ng nasabing awards night ng PMPC at marami rin sa winners ang nandoroon. Ang ibang mga wala naman, may representatives, pero si Luis Manzano na winner nilang Best Talent Search Show Host for I Can See Your Voice ay walang tumanggap ng award.

Maging ang award ni Korina Sanchez bilang Best Magazine Show Host for Rated K ay wala ring tumanggap.

Anyway, big winner sa Star Awards for Television that night ang ABS-CBN na siyang hinirang na Best TV Station!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy