Una sa Balita

Kiefer Ravena aapela sa FIBA

KAKATOK!

0 1,137

PLANO ni Philippine Basketball Association (PBA) rookie at Gilas Pilipinas pointguard Kiefer Isaac Ravena na umapela sa kanyang suspensyon ng paglalaro sa International Basketball Federation (FIBA).

Sinuspendi ang 24-year-old Ilonggo cager ng FIBA ng 18 buwan simula nitong Pebrero 2018 hanggang Agosto 2019 nang masuri’t magpositibo sa performance enhancing substance na pinagbabawal ng World Anti-Doping Agency (WADA).

Hindi dinenay, hindi rin kinumpirma kahapon ng ilang taga-Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pasaklolo sa kanila ng basketbolista upang mabawasan ang penalty sa kagustuhang makabalik-hardcourt sa papasok na Enero 2019.

Hindi naman sumasagot sa ilang mga text at call ng Abante si SBP executive director Renauld ‘Sonny’ Barrios habang sinusulat ang balitang ito, maging ang naging kontrobersyal na cager, anak nina ex-pro at ngayo’y TNT KaTropa coach Ferdinand ‘Bong’ Ravena, Jr. at dating University of Santo Tomas Golden Tigress volleyball star at current volleyball analyst Mozzy Crisologo-Ravena.

Nakakontrata pa ang six-footer combo guard sa North Luzon Expressway (NLEX) Road Warriors tapos maging 2-time MVP sa UAAP habang naglalaro sa Ateneo de Manila University Blue Eagles.

May 3 taon siyang pinirmahan sa NLEX na hinugot siyang 2nd overall pick sa PBA Rookie Draft noong Oktubre 2017.
Miyembro siya ng Gilas Cadets bago na-elevate sa regular national men’s cage team (Gilas Pilipinas) na nakalaro na sa mara­ming torneo.

Naging 4-time gold medalist siya sa 2011-13-15-17 Southeast Asian Games sa Indonesia, Myanmar, Singapore at Malaysia, at gold din sa 2010 Myanmar South East Asian Basketball Asia Association Under-18 at sa 2015 Singapore SEABA Championship for Men.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy