Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kiefer pumatol sa basher

0 236

PINATULAN ni NLEX Road Warrior star Kiefer Ravena ang isang netizen matapos siyang i-bash sa pagsuot ng limited shoes.

Nag-viral kasi ang isang post ng netizen at sinasabing hindi patas ang sporting brand na Nike dahil kahit hindi pa nari-release ang nasabing limited shoes ay meron na agad si Kiefer.

“Ravena hindi pa nga release suot mo na agad kasama pa hangtag. Nike Park Philippine bigyan niyo naman kami chance puro na lang f&f niyo meron,” reklamo ng netizen.

Agad namang sinagot ni dating Ateneo Blue Eagle star ang basher at in-explain ang kanyang side.

“Boss, Nike mismo nagpasuot sakin nyan. Anong gusto mong gawin ko,” pasimpleng buwelta ni Ravena.

Nitong Lunes kasi ay isa ang 27-anyos sa guest ng opening ng unang Jordan store sa ‘Pinas sa BGC.

Kasama niyang lumarga ang kanyang nobya na si Alyssa Valdez at ilan pang atleta. (Aivan Episcope)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.