Una sa Balita

Kiefer peyborit ni Yeng kumpara kina Bolick, Perez

0 371

malaks kay MVP!

MINSAN pang nakatikim ng matitinding kritisismo mula sa mga netizen ang paglalaro ng Gilas Pilipinas kung saan isa sa napagtuunan ng masasakit na bashing ang pinakahuling laban kontra Iran sa pagtatapos ng classification round ng 2019 FIBA World Cup sa Wukesong Sports Arena sa Beijing.

“Ravena pa more. Bwakanang inang yan. Nakakapesteng hinayupak ka yeng guiao. ****ina alam ko pera mo yan @iamMVP pero wag nyo gamitin @SmartGilas para ikundisyon si ravena. Hayop,” tweet ni Sam Iieev.

Hindi din nakaligtas sa pagpuna nito ang pagtatanggol ng ilang mga social media at sportswriter kay Ravena na mas naging paborito na papaglaruin at bigyan ng atensiyon kumpara kina Robert Bolick at CJ Perez.

“Whats wrong with @spinph @rapplerdotcom @Sports5PH ? Still defending @kieferravena when this basketball crazy nation saw how @iamMVP @SmartGilas has actually used politics in basketball. Puro error na hinde pa rin nilabas. Bolick and Perez deserve attention and not kiefer,” sabi pa nito.

“Yun nakakagigil na lahat na lang ravena article. ****ina nakalimutan nyong boy jakol yan bukod sa doping incident. Tapos yan ang gilas future sa inyo? Pakita nya muna sa tao na worthy sya bago nyo gawan articles at ihype ha, @spinph @Sports5PH @TheDeanQuinito @RapplerSports,” pahabol nito.

Gayunman, sinabi ng isa sa PBA 25 Greatest Player at kilala bilang Defense Minister na si Jerry Codinera na nasa coach ang desisyon sa pagpapasok ng mga manlalaro.

“With due respect kay Coach Yeng (Guiao), discretion kasi ng coach ‘yan on who will play longer. Normally it depends on who is playing better,” sabi ni Codiñera.

Hindi naman nagbigay ng kanyang pahayag ang dating four-time MVP at kasalukuyang commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC) na si Ramon Fernandez ukol sa pagbibigay ng paboritismo sa mga manlalaro na kabilang sa MVP Group.

“Ask their coach” sabi lamang ni Fernandez. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More