Una sa Balita

Kiefer panis kay Thirdy

0 459

BAGONG mga mukha, pero parehong resulta ang nilista ng Gilas laban sa Indonesia sa unang laro ng Pilipinas sa first window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Britama Arena sa Jakarta Linggo ng gabi.

Matagal nang hindi pinapaporma ng Pilipinas ang Indonesia sa regional basketball, huli nang sipain sa semifinals ng SEA Games noong December.

Kumalas mula sa kalagitnaan­ ng third quarter ang mga Pilipino,­ itinuloy ang harabas sa fourth hanggang kinumpleto ang 100-70 rout sa host na nagpatahimik sa hometown crowd.

Nagdesisyon ang FIBA na i-postpone ang laro ng Pilipinas at Thailand na dapat ay noong Feb. 20, 1-0 ang mga Pilipino sa first window ng 24-team qualifiers.

Siyam na buwan mula ngayon ang second window, haharapin ng mga Pilipino ang Asian rival Korea (Nov. 27) bago ang Thais (Nov. 30).

Si skipper Kiefer Ravena ang inaasahang kakamada mula sa get-go, pero agaw-eksena ang kanyang nakababatang kapatid na si Thirdy.

Humahagibis si Thirdy sa taas-baba ng court sa transition para magkamal ng puntos.

Tumapos si Thirdy ng 23 point, 8 rebound, 3 assist at 2 block sa loob ng 23 minute para pangunahan ang squad ni interim coach Mark Dickel.

Nakadikit pa ang Indonesia sa likod ng tandem nina guard Andakara Prastawa at Abraham Grahita. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More