Una sa Balita

Kiefer pa-humble sa pagbabalik

0 263

MAY 23 ng nakaraang taon huling tumapak ng court si Kiefer Ravena, naglaro sa PBA All-Star Week.

Kasama siya noon sa Mindanao squad.

Nasa Iloilo si Rave­na nang matanggap ang balita na sususpendihin siya ng FIBA (International Basketball Federation) dahil sa banned substance na nakita sa kanyang sistema.

‘Di na naglaro ang Phenom mula noon. Natapos ang suspension nitong Aug. 24.
Makalipas ang 18 buwan, balik sa laro si Kiefer.

Una niyang salang ang pangalawa sa goodwill game ng Gilas Pilipinas kontra Adelaide 36ers Linggo ng gabi sa Meralco Gym, Pasig. Final tune-up na rin ito ng Nationals bago iha­yag ang final 12, at bago dumayo ng China para sa 18th FIBA World Cup 2019 sa Aug. 31-Sept. 15.

Iba ang pukpukang laro kaysa sa mga pakondisyon lang, hanggang walang tipoff at ‘di nakakatapak sa court ay ‘di alam ni Ravena kung hanggang saan ang kaya niya.

“’Di ko pa alam kung paano ‘yung laro ko, pero hopefully, makatulong sa team,” aniya.

Matagal-tagal din siyang naghintay na maka­balik, ‘di niya sasayangin ang pagkakataon.

Excited siyang mu­ling makalaro, pero ayaw niyang maging emosyonal.
“Try to treat it just like any other game, though I can’t deny that I’m really excited knowing I’ll be able to play again,” wakas ng NLEX guard. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy