Una sa Balita

Kiefer naglalaway sa pagrampa ni Alyssa

By
0 861

MALAKI ang panghihi­nayang ni suspended NLEX super point guard Kiefer Ravena na hindi makatabi at makasama ang kanyang girlfriend na si volleyball superstar Alyssa Valdez na magsisilbing muse ng Road Warriors sa pagbubukas ng 44th PBA Season sa Linggo, Enero 13, sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

“Missing this year’s #PBAOpening especially with @AlyssaValdez2 as our muse. Ill be back out there in no time,” sabi ni Ravena sa kanyang opisyal na Twitter account.

Hindi pa maaaring­ sumama si Ravena sa kanyang koponan kahit man lamang sa parada matapos itong patawan ng 18-buwang suspensiyon ng internasyonal na asosasyon sa basketball na FIBA matapos na pu­malya at magpositibo sa ipinagbabawal na substansiya.

Ipinaliwanag din ni PBA Commissioner Willie Marcial na hindi pa puwede makonsor­tehan ni Ravena ang kanilang muse na si Valdez dahil nagsisilbi pa rin ito sa kanyang suspensiyon.

Halos makakalahati na naman ni Ravena ang pagsisilbi sa ipinataw na parusa na nagsimula nu’ng nakaraang taon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy