Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kiefer, Lakestars binawian si Parks

0 212

RUMESBAK si Kiefer Ravena at ang Shiga Lakestars kontra Nagoya Diamond Dolphins ni Bobby Ray Parks, 110-79, sa ikalawang pagtatagpo nila kahapon sa Japan B.League Division 1 sa Dolphin’s Arena.

Bumawi si former NLEX Road Warriors star Kiefer sa mapait niyang talo nitong Sabado laban kay Parks matapos kumana ng 16 points, 9 assists, 3 rebounds at 3 assists.

Umakbay rin sa opensa ng Lakestars si Ovie Soko nang magkamada ng 26 markers, 14 rebounds at 2 assists para ibalik ang koponan sa panalo para sa 6-2 kartada.

Nalimitahan si Parks sa 7 puntos, 3 rebounds, 2 steals at 1 assists.

Hawak na ngayon ng Diamond Dolphins ang 4-4 panalo-talo marka. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.