Una sa Balita

Kiefer kami sa draft – Guiao

By
0 7

Hindi na umaasa si NLEX head coach Yeng Guiao na makukuha pa ang serbisyo ng Fil-German na si Christian Standhardinger sa darating na PBA 2017 Annual Draft sa October 29 sa Robinson’s Place sa Maynila.

Dahil dito, nakapokus na ang kanyang atensiyon sa 6-footer national player na si Kiefer Ravena.

“Kay Kiefer na kami dahil tiyak na kukunin ng Kia ang 6-foot-10 na si Standhardinger sa first round,” sabi ni Guiao sa Isport Lang.

Ayon kay Guiao gustung-gusto niya ang Fil-German, kaya lang hindi na siya umaasa.

Ang NLEX ang segunda sa Kia sa order ng first round picks ng 44 na players na available ngayong 2017 draft.

Sinasabi ng ilang eksperto na malabong palampasin ng Kia si Standhardinger dahil magandang materyales ito para sa gagawing pagpapalakas sa susunod na season.

Kung hindi man palagdain ng Kia ng kontrata si Standhardinger na malabong mangyari, maaring magamit ito sa malaking trade deal.

Sa totoo lang halos lahat ng teams ay talagang takaw na takaw na masikwat si Standhardinger at sa sandaling magkaroon ng pagkakataon ay talagang aagawin nila ito sa KIA.

Bukod kay Standhardinger na gumawa ng ingay nang maglaro sa Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup at Kuala Lumpur Southeast Asian games at si Ravena, inaasahang ookupahin rin nina homegrown superstars Jeron Teng, Jett Manuel ng UP at Raymar Jose ng FEU ang spotlight ng annual draft.

Bukod kay Standhardinger, ang dalawa pang high profile Fil-foreign players na kasama sa annual draft ay sina Jason Perkins ng La Salle at Davon Potts ng San Beda.

Base sa first round draft order, unang pipili ang KIA, pangalawa ang NLEX, 3rd ang Blackwater, Phoenix, Global Port, Alaska Aces, Rain or Shine, Star Hotshots, TNT, San Miguel Beer, Meralco Bolts at Barangay Ginebra.