Una sa Balita

Kiefer ‘di trip kakampi si Erram

0 466

AYOKO na sa ‘yo!

Ito ang gustong ipahiwatig pero biro lang ni bagong Gilas team captain Kiefer Ravena sa nakaambang paglipat ni Poy Erram mula NLEX Road Warrios patungong TNT KaTropa.

Nito lamang Lunes ay pumutok ang balitang iti-trade na si 6-foot-8 forward Erram sa multiple player deal ng MVP-backed team na TNT.

Pero imbes na maging emosyonal ang hiwalayan ng dalawa ay ­ginawang biro ni Kiefer ang pag-alis ni Poy sa koponan.

Sa Twitter account ni former Ateneo star Kiefer ay may pabaon itong message kay Erram.

Birong tweet ni @kieferravena, “@chasing_89 ayaw kita kakampi,” na may kasama namang smiley emoji.

‘Di naman ito pinalagpas at agad na nag-reply si Erram.

Sagot ni @chasing_89, “hahaha mga walang alam sa bball nag sasabi niyan. Tawanan nalang natin sila.”

Sa kasalukuyan ay tinatrabaho pa ng PBA ang nasabing trade ­proposal. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More