Una sa Balita

Kiefer babalik na sa NLEX

0 324

NAKAHANDA nang magbalik sa PBA ang suspendidong si Kiefer Ravena.

Ipinaalam ng NLEX Road Warriors sa opisyal nitong Twitter account na makakapagsimula na sa ensayo ang pangunahin nitong point guard na si Ravena sa Hunyo 24.

Ipinaalam na rin ng pamunuan ng NLEX sa Office of the PBA Commissioner ang mas maagang pagbabalik ni Ravena sa aktibong paglalaro bunga ng ipinapakita nitong pagtupad sa iniutos na regulasyon.

Nakatakda naman itong makasabak sa aktibong kompetisyon at unang laro para sa Road Warriors sa Agosto 24 matapos na mapatawan ng suspensiyon ng internasyonal na asosasyon na FIBA.

“PHENOM Progress – June 24 can join team practice. August 24 can play for NLEX,” ayon sa Tweet.

Matatandaan na noong May 22, 2018 ay pinatawan ng 18-buwan na suspensiyon ng FIBA si Ravena matapos itong makitaan ng mga ipinagbabawal na substansiya ng World Anti-Doping Association sa kanyang urine samples matapos ang laro ng Pilipinas kontra Japan sa 2019 FIBA Basketball World Cup qualification. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy