Una sa Balita

Kiefer ayaw magpatalo

0 29

Nanguna sa tatlong tests sa Day 1 ng PBA Draft Combine si Kiefer Ravena kamakalawa, sa Day 2 kahapon sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong ay itinuloy pa niya ang palabas.

Tops si Ravena sa agility drill, nilista ang highest vertical leap (39.5 inches) at nanguna sa ¾ court sprint noong Lunes.

Martes, siya naman ang tinanghal na MVP ng mini tournament nang maglista ng 12 points para tulungan ang kanyang A2 team sa 83-72 win laban sa B3 ng karibal na si Jeron Teng.

Pinangunahan ng 20 points ni Jason Perkins ang A2, may 18 at 13 sina Robbie Herndon at Lervin Flores.

Sinabi ni Ravena na ayaw daw talaga niyang nagpapatalo kahit sa mga maliliit na kumpetisyon.

Nagsumite si Teng ng 23 points sa pagtatapos ng Draft Combine ng PBA na nagkaliskis sa 44 rookie hopefuls na sasabak sa annual PBA Draft sa Robinsons Place sa Manila sa Linggo. Oct. 29.