Una sa Balita

Kiefer, Alyssa pinag-uusapan na ang kasal

0 1,129

Tuwang-tuwa kami sa naging pilot episode ng D’ Ambetable Show, ang online broadcast show sa social media platform ng ABANTE News Online (Facebook).

Sobra kaming grateful sa pagpapaunlak ng dalawa sa mga anak-anakan naming sina Kiefer Ravena at Marion Aunor, bilang aming back-to-back episode guests last August 1 ng 7:30-9:30 pm.

Magkaibang-magkaiba ang nilaman ng show dahil nasa magkaibang mundo sila.

While Kief shared some updates on his sports career, kantahan at hugutan ng emotions naman kami ni Marion sa episode niya. Kaya naman thru this, nagpapasalamat kami uli kami sa kanila dahil they really made our online show a great and momentous event.

Sa mga naka-miss, puwede ninyo po itong balikan at panoorin sa Abante News Online Facebook page.

To share some, napaamin namin si Kief na napag-uusapan na pala talaga nila ni Alyssa Valdez ang isyu ng pag-settle down.

“But not too soon. Normal naman po sa mag-gf-bf na napag-uusapan ang ganyan, pero nothing so serious yet,” sey ng 25-anyos na PBA player.

May mga investment na rin sila ni Alyssa, gaya ng lima nilang branches ng ALLY’s All day breakfast restaurant scattered sa iba’t ibang bahagi ng Quezon City, at meron din silang “GYM” sa Bacolod City kung saan lahat ng sports services ay kanilang ini-o-offer.

Sa ngayon ay abala si Kief sa kanyang regular basketball practices, pagpapakondisyon, paglalaro ng golf at pagbibigay ng “talks” sa mga nag-iimbitang sports group hinggil sa usapin ng “doping.”

Bonding activity nga raw nila ni Alyssa ang paglalaro ng golf, dahil bukod sa stress-reliever nila ito, parehong out of their “mastered” sports na nakikita daw niya ang sarili na makiki­pag-compete din soon sa larong ito.

Tuwang-tuwa kami ng mapakanta namin si Kief na aminadong sucker ng mga hugot and romantic song pati ng movie.

If ever man daw na mag-aartista siya at makagagawa ng movie, bet niya si Bela Padilla na maging leading lady dahil bukod sa kilala niyang matalino ito, feel daw niyang may che­mistry sila.

Kiefer, Alyssa pinag-uusapan na ang kasal

On Marion’s part naman, aliw na aliw ang mga fan niya na nagpa-shout out pa from Hong Kong, Canada, Sweden at USA.

Ako mismo ay nagulat na sa inisyal nga naming ­pag-broadcast at kahit hindi ito na-promote, ay may mga kababayan tayo mula sa mga naturang lugar na nakisaya sa amin.

Kinanta ni Marion ang theme song ng PPP entry na The Day After Valentine’s movie na pinagbibidahan nina Bela Padilla at JC Santos. Iba ang hugot niya sa kantang ‘AKALA’ na kanya ring ­sinulat gaya ng isa pang movie theme na Ikaw Pa Rin Ang ­Pipiliin Ko, ang unang tagalog song na sinulat niya.

Naibalita ni Marion na excited siya sa naging ­collaboration nila ni Xian Lim para sa album nito.

 At siyempre, nasa wish list nga niya daw ang maka-trabaho din sina Regine Velasquez at Sarah Geronimo.

“In fact, hindi lang kami nagpang-abot ni Ms. Regine sa bahay nila nung gawan ko ng kanta si Leila (Alcasid).

Leila told me na gusto rin daw ng stepmom niya na makagawa ako for her. I’m so looking forward for that,” hirit nito.