Una sa Balita

Kidney ng babae ninakaw ng asawa

0 1,096

INARESTO ng pulisya sa India ang isang lalaki­ at ang kanyang bayaw matapos na nakawin ang bato ng kanyang asawa bilang pambayad sa dowry.

Ayon sa report, sumakit ang tiyan ni Rita Sarkar noong 2017 kaya ipinasok siya sa ospital ng kanyang asawa upang sumailalim umano sa appendicitis surgery.

Sinabihan pa umano siya ng kanyang asawa na huwag ipapaalam sa iba na sumailalim siya sa operasyon.

Makalipas ang ilang buwan, nanghina na si Sarkar at nang dalhin siya sa doktor ay doon natuklasan na nawawala ang kidney niya sa kanang bahagi.

“I then understood why my husband implored me to keep quiet about the surgery,” ayon sa salaysay ng biktima na lumabas sa pahayagang Hindustan Times.

“He sold my kidney because my family couldn’t meet his demand for dowry,” hinala pa ng biktima.

Kinasuhan na ang asawa at bayaw ng attempted­ murder at paglabag sa Transplantatio­n of Human Organs and Tissues Act.