Una sa Balita

Kidnapping lumalala dahil sa POGO?

0 342

Dapat ay sa lalong madaling panahon ay aksiyunan na ng gobyerno ang lumalalang kaso ng kidnapping sa bansa .

Ito’y kaugnay ng kasong pagkidnap sa isang chinese ng kanilang kapwa ­chinese.

Ayon sa PNP, karamihan ng kaso ng kidnapping ay kinasasangkutan ng mga may utang sa Casino.

Dapat ay higpitan ng gobyerno ang pagpasok ng mga chinese ­national sa ­Pilipinas lalo na ang mga ­trabahador ng ­Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) .

Dahil sa maluwag na polisiya ng gobyerno ay dinadagsa ang Pilipinas ng mga chinese na nagtratrabaho sa POGO.

Kung hindi kayang ipatigil ang POGO sa bansa dahil sa panghihinayang na kinikita rito ay makakabuting ilagay na lamang ito ng gobyerno sa iisang lugar at pagdama ­samahin ang mga ito upang matiyak na nababantayan ang ­kilos ng mga ito.

Sa Makati City ay ipinatigil na ang pag-iisyu ng business permit ng POGO dahil lumitaw na ugat ito ng paglala ng krimen at prostitusyon.

Kung hindi pagsasamahin sa iisang lugar ang mga POGO worker ay maaring mas luma­lala pa ang krimen sa bansa at madamay na rin ang iba pang mga pilipino.

Hindi dapat na payagan na kahit saang lugar sa bansa ay makapagtayo ng POGO at maa­ring ito ay dalhin sa isang lugar na malayo sa siyudad tulad ng ­Economic Zone sa bansa.

Sana naman ay agad kumilos ang ating gobyerno at huwag ng hintayin na may ­madamay pang pilipino sa nagaganap na kidnapping ngayon ng mga kapwa chinese sa bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More