Una sa Balita

Kidnaper na parak susuko na

By
0 681

NAKATANGGAP ang Phi­lippine National Police–Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ng surrender feeler mula kay PO1 Michael Siervo ang umano’y lider ng kidnap for ransom group na nag-o-operate sa Laguna.

Inihayag ni PNP-AKG Director, C/Supt. Glen Dumlao na naki­pag-ugnayan na siya kay Laguna Police Provincial Director S/Supt. John Kirby Kraft hinggil sa posibleng pagsuko ni Siervo.

Kamakalawa nang nauna nang naibali­ta na natunton ng PNP ang safe house na pagmamay-ari ni Siervo at ng misis nito sa Laguna, kung saan nila itinago ang ne­gosyanteng kanilang di­nukot.

Narekober dito ang matataas na uri ng armas at mga granada.

Pawang mga kaklase ni Siervo na kabilang sa PNP Batch 2010, ang mga kasabwat niya sa grupo.

Na-monitor na nasa Thailand na si PO1 Ro­nald Carandang, habang at large din si PO2 Jonathan Galang.

Isa pang pulis at dalawang sibilyan ang pinaghahanap din.

Hinihinalang pinatay naman ng grupo ang kaklase nilang si PO2 Gerald Bonifacio dahil nagkaonsehan sa pera.

Modus nilang arestuhing muli ang mga dati na nilang naares­tong drug suspect na nakapagpiyansa o nabasura ang kaso para pagkaperahan.