Una sa Balita

Kidlat sa La Union: Kelot natusta, 2 pa kritikal

By
0 3,251

Halos matusta ang isang lalaki habang dalawa pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos silang tamaan ng kidlat sa kasagsagan ng ulan sa Bara­ngay Parian Oeste, Bauang, La Union noong Linggo nang hapon.

Kinilala ng Police Regional Office-1 (PRO-1) ang namatay na si Arnold S. Lucero, 16, ng nasabing bayan.

Malubha namang nasugatan sina Daisy Joy A. Campos, 29 at Willy A. Tejada, 32, parehong taga nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, sinabi ng PRO-1 na naganap ang insidente bandang alas-5:55 nang hapon naglalakad ang mga biktima sa isang open field sa nasabing barangay nang biglang kumidlat.

Si Lucero umano ang napuruhan ng kidlat at siya ang namatay bago duma­ting sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC), ng San Fernando, La Union ayon sa mga medical expert.

Nagpapagaling naman sina Campos at Tejada sa ITRMC dahil sa timanong sunog sa katawan dulot ng kidlat.