Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kickboxing, esports botante na

0 71

OPISYAL nang napabilang ang Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP) at Philippine Esports Organization (PeSO) bilang mga regular na miyembro ng Philippine Olympic Committee (POC).

Nabatid Sabado kay POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino, na nakumpelto na ng kickboxing na pinamumunuan ng kuya niyang si Sen. Francis ‘Tol’ Tolentino at ng esports ang kinakailangang dalawang sunod na partisipasyon sa SEA Games para masiguro ang regular na membership sa POC.

Magkakaroon ng karapatan ang dalawang asosasyon na makaboto na sa aktibidad ng pribadong organisyon sa sports sa bansa at mamahala sa iba’t-ibang lokal na club o asosasyon sa bansa.

Nakapagwagi ng dalawang ginto, apat na pilak at dalawang tansong medalya ang kickboxing habang ang esports ay nag-ambag ng dalawang ginto at dalawang pilak sa buwang itong Vietnam 31st SEA Games.

Tinanggap din ng POC ang Philippine National Rugby League bilang kinikilalang miyembro. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.