Una sa Balita

Kickboxing, beach volley tatalakayin sa PSA Forum

0 276

USAPANG kickboxing at beach volleyball ang sentro ng talakayan sa Philippine Sportswri­ters Association (PSA) Forum Martes sa Amelie Hotel-Manila.

Parehas na magpapakitang-gilas ang dalawang sport sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa.

Dadalo sa 10am session ang Samahang Kickboxing Pilipinas sa pangunguna ni Secretary-General Atty. Wharton Chan, mga coach na sina Donnie Geisler at Glenn Mondol, at athlete na sina Karol Maguide, Ruel Catalan at Rex De Lara.

Eeksena rin sa forum na handog ng San Miguel Beer, Braska Restaurant, Amelie Hotel, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation sina beach volleyball team player Sisi Rondina at Bernadeth Pons.

Inaanyayahan ang lahat ng mga PSA member na dumalo sa session na mapapanood livestream via PSA Facebook page fb.com/Phi­lippineSportswritersAssociation at eere sa delayed basis ng Radyo Pilipinas 2 mula 1-2pm at 6:30pm (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy