Una sa Balita

KIA-SMB trade ‘di pa aprub

By
0 139

Natural lamang na maging negatibo ang reaksiyon ng ibang koponan sa naka-ambang trade deal sa first round number one pick ng KIA sa San Miguel sa PBA draft sa Oct. 29 sa Robinsons Place sa Maynila.

Sabi ng mga team owners, nasasakripisyo ang balanse ng liga kung ibibigay ng Kia ang kanilang unang pick na walang iba kundi ang stalwart na si Fil-German Christian Standhardinger.

‘Yung iba nga ang unang reaksiyon nang mabalita ito ay nagsabing “ginagawa na yatang hanapbuhay ng KIA ang kaliwa-kanang trade ng players”.

Pa’no na nga naman kung mapunta pa sa Beermen o sabihin na nating sa SMB group si Standhardinger di lalo nang nawala ang balanse ng liga.

Sa Beermen, nariyan na si June Mar Fajardo na kapapanalo sa ika-apat niyang MVP award at sa Barangay Ginebra ay si Greg Slaughter kaya tanging ang Star Hotshots na lang sa SMB group ang walang higante.

May nakapagbulong sa Isport Lang na malaki ang posibilidad na sa Star bumagsak si Standhardinger at ang pagkuha dito ng SMB ay proseso lamang.

Habang isinususulat ang kolum na ito ay hindi pa inaaprubahan ng Office of the Commissioner ang trade ng San Miguel at Kia kaya nakanganga ang lahat sa paghihintay.

Masasabi nating nakaipit dito si Commissioner Chito Narvasa dahil tiyak na aani siya ng batikos kung aaprubahan niya ang trade.

Anyway, nahaharap si Standhardinger sa disqualification sa PBA draft dahil sa hindi nito pagsipot sa unang araw ng tinatawag na Draft Combine. Siya lamang sa 44 na draftees ang hindi sumipot noong Lunes.

Manggagaling pa umano ang 28-year-old na si Standhardinger sa Hong Kong kung saan sumasailalim ito ng training sa Hongkong Eastern Sports Club.

Kung hind maging maganda ang paliwanag ng Fil-German kay Kume malamang ligwak ang kontrobersiyal na trade deal ng SMB at Kia.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy