Una sa Balita

Kia mas type ang guwapo kesa matalino

By
0 205

Si Kia Roda, 18 years old, ang candidate No. 4 para sa “Abante Babe, Ganda Mo, Teh!” na pambato ng Pasig City.

Kasalukuyang nag-aaral si Kia sa AB International Business College, Cainta sa kursong BS Tourism na daan upang maabot niya ang pangarap na maging isang flight attendant.

“Si Dingdong Dantes, crush na crush ko kasi siya,” ang kinikilig na sagot ni Kia (5’5” height, vital stats na 34-28-34) sa tanong kung sino ang celebrity crush niya.
Aniya, sa pagsali sa pakontes na ito ay mada­dagdagan ang kanyang tiwala sa sarili.

Mas bet ni Kia ang lalaking guwapo pero ­hindi matalino dahil ang talino ay nakukuha kung ­masipag sa pag-aaral.

Sa mga gustong sumali para maging Abante Babe para sa buwan ng October, ipadala ang inyong close up at whole body picture, biodata sa roldancastro2015@gmail.com, 18 to 28 years old, 5’3” pataas.

Para bumoto, gupitin lang ang article na ito (Kia Roda Abante Babe #4 Batch 2 for September, 70% ang katumbas) at lakipan ng logo ng Abante na may petsa, lagyan ng pangalan ng nagpadala, ­address at telepono.

Ipadala ito sa Abante office sa 3rd floor Karrivin Plaza Building, 2316 Chino Roces Avenue Extension, Makati City. Puwede ring sumadya sa opisina at ihulog sa drop box.

May sorpresang premyong nakalaan sa mabubunot na Abante reader buwan-buwan at may tsansang makapanood sa grand coronation. Mahigpit na ipinagbabawal na lumahok ang mga emple­yado at kamag-anak ng PRAGE Management Services hanggang sa second degree of consanguinity.

Puwede ring mag-like online sa kanyang photo para sa karagdagang puntos (30%). Bisitahin ang Abante Facebook Page, AbanteTNT sa Instagram at website nawww.abante.com.ph.

Creative Director: Roldan Castro, Project Director: Meg Perez, Photographer: Ben Nollora, Fashion Stylist: Lulu Pineda, Swimwear: Julius Pegarro. Make Up: Cut Encarnacion Group Of Salon, Creative Team: Panji Penaflor, Swit Garcia, Ariel Carlo Reyes, Lj Gellido.

[aigpl-gallery-slider id=”152977″]

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy