Una sa Balita

Khashoggi namatay sa suntukan — Saudi state TV

0 473

Inamin ng Saudi Arabia ang pagkamatay ng nawawalang Saudi journalist na si Jamal Khashoggi sa kamay ng isang dosenang opisyal sa kanilang konsulada sa Istanbul, Turkey noong Oktubre 2.

Matapos ang 18 araw na pagtanggi hinggil sa pagkawala ni Khashoggi, kumanta din ang Riyadh at nagpaliwanag na namatay ang mamamahayag matapos na makipagsuntukan ito sa mga opisyal ng consulate dahil sa pagtatalo hinggil sa hinihingi nitong dokumento para sa darating niyang pagpapakasal sa kasintahan niyang si Hatice Cengiz.

Limang high ranking official ang tinanggal sa puwesto, kabilang na ang deputy head ng Saudi intelligence service, at 18 naman ang ikinulong, ayon sa state TV.

Ang pahayag ng Saudi Arabia ay malaki ang kaibahan sa mga lumabas sa Turkish media na ang mamamahayag ay tinortyur, pinatay at pinagpuputol ang katawan.

Si Khashoggi ay kilalang kritiko ni crown prince Mohammed bin Salman.

Ang 59-anyos na journalist ay ipinanganak na mayaman at may mga koneksyon. Siya ay pamangkin ng arms dealer Adnan Khashoggi at pinsan ng boyfriend ni Princess Diana na si Dodi Fayed. (AP)