Una sa Balita

Khalil Ramos bibida sa Netflix movie

0 351

Filipino filmma­kers, mag-ingay! Tuwang-tuwa na naman ang movie industry dahil taas bandera na naman ang Filipino filmmaker na si Mikhail Red na siyang may gawa ng trending film noon na ‘Birdshot’. Ito ang ­unang Pinoy film na napili ng Netflix na ipalabas worldwide.

Guess what? Unang beses na mabibigyan ng Original Netflix film license ang pelikula ni Red na pinamagatang ‘Dead Kids’ kung saan kabilang na bibida ang young actor/singer na si Khalil Ramos.

Hindi rin maita­tanggi ang excitement ng aktor sa kanyang ibinahaging post sa social media.

“The news is finally out. This is unreal. I’m part of the very FIRST FILIPINO NETFLIX FILM. Wild!!! Could anybody guess which of these goofballs is me? (emoticon) Dead Kids soon on @netflix worldwide!

Congrats to the whole team behind Dead Kids!! #DeadKidsonNet­flix,” sabi ni Khalil.

Siyempre, hindi rin mawawala ang suppor­tive girlfriend na si Gabbi Garcia na unang nag-comment sa post ni Khalil at sinabing “PROUD OF YOU MY LOVE!!”

“Dead Kids is about entitled kids who have their own interpretation of justice,” pahapyaw na kuwento ni Red tungkol sa kanyang pelikula.

Ayon pa kay Red, marami sa kabataan ang siguradong makaka-relate sa kuwento ng pelikulang ito. Well, kung makikita ang poster ng naturang pelikula, talaga nga namang nakaka-curious kung ano nga kaya ang nais iparating ng istorya ng pelikulang ito with the mascots on their faces. Napaka-mysterious talaga. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy