Una sa Balita

Khabib kinagat ang $2M offer ni 50 Cent

By
0 1,620

INALOK si Khabib Nurmagomedov ng ruta para eskapuhan ang Ultimate Fighting Championship makaraang magbantang magbabalot-balot dahil sa trato sa kababa­yang Ruso na si Zubaira Tukhugov.

Inihayag ni Rapper 50 Cent, a.k.a. Curtis James Jackson III ng Estados Unidos, na babayaran niya si Nurmagomedov ng $2 milyon para sumagupa sa Bellator Mixed Martial Arts – ang karibal na prangkisa ng UFC.

“The UFC is not the only game in town,” bulalas ni 50 sa kanyang Instagram, bago hinirit ng unofficial Bellator spokesman na malugod ring tatanggapin ng organisasyon si Tukhugov kung magpasyang lumayas din sa UFC.

“I think it’s wrong what the UFC is doing to Khabib, they don’t do the same thing to McGregor. I’ll pay $2m cash tonight if he will fight for me at Bellator,” panapos ng Amerikanong rapper.

Agad ding tumugon si Nurmagomedov sa pag-post sa Instagram sa alok ni 50: “Just send me location,” bago sumagot ang ‘In Da Club’ singer, “send a plane for you in the morning.”

Niyanig ni Tukhugov ang octagon noong isang linggo at inupakan si Conor McGregor tapos tanggapin ng Irishman kay Nurmagomedov ang submission loss sa UFC lightweight title fight.

Binulalas ni UFC president Dana White pagkaraan na hindi na niya palalabanin si Tukhugov sa kanyang kompanya, saka rumesbak si Nurmagomedov sa babala na sakaling lumayas ang kanyang ‘kuya’ ay susunod siya.

Dama ang oportunidad na makaka­panamantala at makakakuha ng mga talent, pinangwakas ni 50 Biyernes ng gabi: “I’ll deal with Dana and your contract later.”