Una sa Balita

Khabib babu na sa UFC; tawid bakod ng WWE

By
0 906

MAKALIPAS ang kontrobersiyal na tagumpay kay Conor McGregor ng Ireland, binunyag ni Khabib Nurmagomedov ng Russia na may alok siyang sumapi sa World Wrestling Entertainment, Inc.

Kuwestiyonable ang kinabukasan ng mandirigmang Ruso sa Ultimate Fighting Championship dahil nakipag­rambol sa publiko ilang saglit pa lang naidemolis ang Irishman via rear-choke submission noong isang linggo.

Pero gamit ang Twitter nito lang Biyernes ng umaga, pinahapyawan ni Khalib ang posibleng pagsalang sa WWE, makikipagbuno sa 41-anyos nang si dating wrestling champion Brock Lesnar ng Estados Unidos.

“@WWE ask me to jump inside. What do you think guys? #SmashLesnar #FakeFights,” tweet ni Khalib.

Inaabangan ni Khabib ang kanyang magiging kaparusahan sa pakikipagrambulan sa Las Vegas. At na­ngakong kung madadamay ang isa niyang kakuwadra, walang atubiling tatalikuran ang UFC.

Sa sensasyon niyang babala, hinirit ni Khabib na magku-quit siya sa UFC kapag na-sanction din si teammate Zubaira Tukhugov na sinapok si McGregor sa post-fight brawl.