Una sa Balita

KFC fries maputla, sinisi sa presyo ng patatas

By
0 3,216

HUWAG nang magulat kung iba-iba ang itsura ng fries na nabibili sa KFC. Ayon sa KFC, may shortage ng patatas kaya maaaring hindi pareho ng nasa picture ng menu nito ang ibibigay sa inyo.

Noong Mayo 21, nag-tweet si Infinity Lar ng pic ng fries ng KFC na tila namumutla at kulang sa timpla.

“Kelan niyo pa binago yung fries niyo, KFC? Also, BAKET??” aniya.

Sabi naman ni @yoonsijin, “Huhuhuhu bakit kaya iba?” At, nag-post siya ng pic ng kinain niyang fries ng KFC noong Mayo 19 lang.

Sabi ni Infinity Lar, nag-double check siya doon sa nagbigay sa kanya ng fries sa KFC kung bakit ganoon. Ang sagot sa kanya, “bago na daw talaga fries nila.”

Tinanong ng Abante ang head office ng KFC tungkol sa fries nila, partikular kung cost-cutting ba ito.

Naglagay ang KFC sa website nito ng disclai­mer na nagsasabing: “Due to a supply issue, the type of fries you will receive may vary from the picture.”

Ayon sa Philippine Statistics Authority, tumaas ang presyo ng patatas sa National Capital Region ng P10 kada kilo at ng P25 kada kilo sa Cabanatuan City noong ikalawang linggo ng Mayo.

Pero, bumaba naman ang presyo ng patatas ng P10 kada kilo sa Cebu City at sa Zamboanga City.