Una sa Balita

Kevin Durant nakamit ang 2nd All Star MVP

Team LeBron ang da best!

0 482

AGAW-EKSENA si Kevin Durant sa homecoming ni Stephen Curry sa Charlotte, North Carolina.

Umiskor si Durant ng team-high 31 points para tulungan ang Team LeBron na umahon mula 20-point deficit tungo sa 178-164 win kontra Team Giannis sa NBA All-Star game.

Itinaas din ni Durant ang pangalawa niyang All-Star MVP Linggo ng gabi (Lunes sa Manila). Kinubra niya ang una noong 2012.

Mula sa floor ay 10 of 15 overall si KD, 6 for 9 sa 3s nang ilista ng Team LeBron ang All-Star record ng pinakamaraming 3s sa laro – 35.

“We just didn’t want to lose,” pahayag ni Durant sa ESPN pagkatapos tanggapin ang MVP trophy. “We know we had a lot of talent­ over there that can do multiple things. We just wanted to turn it up a bit on the defensive side.”

May palamuti pang 7 rebounds, 2 assists at 2 blocks si KD.

Sa bagong format ng All-Star Game, 2-0 na si LeBron James bilang captain. Pinangatawanan ni Durant ang pagiging No. 1 overall pick ni James.

“Sweet” ang sabi ni Durant sa kanyang award kumpara sa ibang nakuha na.

“I mean, it’s hard to rank. Everything’s special. But it’s cool to be out there with some of the best players to ever play the game, and to win an MVP here in front of my family and friends is pretty sweet. I just keep trying to rack them up, I guess.”

Nilista ni Damian Lillard ang kalahati ng kanyang 18 points sa third para tulu­ngan si Durant sa comeback matapos maiwan ng 13 sa half.

Sa fourth, hindi na nagpaawat ang Team LeBron sa pagkalas.

Perpektong 4 of 4 mula sa field si KD sa final period, 3 for 3 sa 3s.

Matapos mamigay ng 95 points sa first two quarters, naghigpit ang Team LeBron pagbalik mula sa break at diniyeta na sa 69 points ang Team Giannis ni Giannis Antetokounmpo. Ang All-Star record ng points allowed ay 194.

Umiskor si Curry ng 17 mula 6 of 23 shooting at 4 for 17 sa labas ng arc para sa Team Giannis. May 9 rebounds at 7 assists pa siya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy