Una sa Balita

Kerwin Espinosa mananatili sa NBI custody

By
0 261

MANANATILI pa rin sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) at hindi ililipat sa Manila City Jail (MCJ) ang umano’y bigtime drug lord na si Kerwin Espinosa.

Ito ay dahil kinatigan ng Manila Regional Trial Court, Branch 26 ang mosyon ni Kerwin na huwag siyang ikulong sa MCJ.

Nauna dito’y iginiit ni Espinosa sa kanyang Urgent Ex-Parte Motion for Issuance of Commitment Order na delikado ang kanyang buhay sa nasabing Dahil dito’y inatasan ni Presiding Judge Silvino Pampilo Jr. ang NBI na panatilihin si Espinosa sa kanilang pasilidad.

Nilinaw ni Judge Pampilo sa kanyang desisyon na si Espinosa kasi ay nasa ilalim pa rin ng Witness Protection Program (WPP).

Nakabinbin sa Manila RTC ang reklamong isinampa ng pulisya laban kay Espinosa kaugnay naman ng illegal drug trade sa Albuera, Leyte.