Una sa Balita

Kerr, Warriors plakado ang galaw ng Rockets

By
0 1,996

KADALASAN, ang ­pressure sa Game 1 ng bawat series ay nasa visit­ing team.

Ang pinakagasgas na kataga ay “we want to steal one” para sa dayo dahil pipilitin nilang maagaw ang homecourt advantage.

Ganito rin ang nasa likod ng isipan ng Golden State Warriors sa pagdayo sa Houston para sa opener ng Western Conference finals.

Kumpiyansang magmamartsa sa series ang Warriors. Sala-salansan na video ng Rockets ang pinanood nila isang oras bago ang praktis noong Huwebes, mas marami pa pagkatapos. Kabisado na nila ang galawan ng Houston kaya naging No. 1 seed sa West.

Hindi kataka-taka kung mapupunta ang pressure sa Rockets, kahit sa sariling teritoryo pa ang Game 1. Mula Enero 10 hanggang Abril 5, nagtuhog ang Houston ng 20 sunod na panalo sa Toyota Center. Dalawang beses lang natalo sa home game ang Rockets ngayong season – tinambakan ng Warriors ng 10 noong Enero 4, at tinalo ng anim ng Oklahoma City noong Abril 7.

“Both teams are going to try to force their will,” giit ni Andre Iguodala ng Golden State.

Importante sa Warriors ang Game 1 para mabasag ang bentahe ng home team.

“When you’re on the road against a very good team, you don’t want to let them come out and build on the confidence they already have,” wika ni Draymond Green. “You want to come out and instill some doubt.”

Sa apat na Game 1s noong nakaraang postseason, 4-0 ang Warriors at nanalo ng average na 12 points. Kontra Cleveland sa Finals, nanalo ang Golden State, 113-91.

Ayon kay coach Steve Kerr, nasa peak na ang Warriors. Puno ng motibasyon.

“We’re playing our best basketball right now,” suma ni Stephen Curry.

Game 1 Lunes ng gabi sa Houston. (VE)