Una sa Balita

Kentucky Rain karipas sa 3-YO Maiden Race

By
0 299

DINAAN ni class A rider RO Niu, Jr. sa balya si Kentucky Rain upang sikwatin ang panalo sa Three-Year-Old & Above Maiden race nitong Sabado sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Pinuwesto muna ni Niu sa tersero si Kentucky Rain paglabas ng aparato upang pano­orin sa unahan ang bumabanderang si Ava’s Tale, nasa segundo si Gintong Tubig.

Papasok ng huling kurba ‘y tersero pa rin ang winning horse na nasa tabing balya pero nakuha ang unahan sa rektahan.

Hindi na napigilan sa unahan si Kentucky Rain at nagtuloy-tuloy ito hanggang sa meta, nagwagi siya na may tatlong kabayo ang distansya sa second placer na si Gintong Tubig.

“Maluwag sa balya kaya doon ko na lang pinadaan si Kentucky Rain,” masayang sabi ni Niu.

Nirehistro ni Kentucky Rain ang 1:29.6 na oras sa 1,400 meter race, sapat upang ibulsa ang karagdagang premyo na P10,000 mula sa Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Pangatlong dumating si Ava’s Tale habang pang-apat ang second choice na si Claudia’s Pride.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy