Una sa Balita

Kenneth Duremdes may gustong balikan sa PBA

0 760

Nais nitong bumalik sa taong 1995, taon na nagsimula siya sa PBA para sa koponang Sunkist Orange Juicers.

Ayon sa kanya, dito nagsimulang mabuo ang lahat ng kanyang mga pangarap, na unti-unti niyang naabot.

“Kung may gusto akong balikan na taon sa PBA, siguro yung taong 1995 sa Sunkist Orange Juicers. Dun kasi nagsimula ang lahat at malaking factor ang isang Mr. Elmer Yanga (then a top executive of the company) sa kung ano at sino ako ngayon. Masasabi kong nagsimula talaga ako ng tama sa liga,” sey ng 44-anyos na ngayong commissioner ng MPBL sa aking eksklusibong panayam sa D’ Ambetable Show sa Abante.

Pagkatapos ng 13 PBA seasons, naging Most Valuable Player (1998), naging miyembro ng Mythical Team (1996-2001) at nagkaroon ng anim na championship titles, itinutu­ring ni Kenneth na mistulang mga eskuwelahan na merong kani-kaniyang lakas ang bawat tagumpay at pagkabigong naranasan niya.

Siya man ang pinakabatang miyembro ng PBA’s 25 Greatest­ Players noong taong 2000, pakiramdam naman ng tinaguriang Captain Marbel ng liga na ‘maturity’ ang nagdala sa kung nasaan man siya ngayon.