Una sa Balita

Ken, Rita type bitbitin ni Edgar sa Boracay

0 370

Lilipad for Hong Kong si Edgar Allan Guzman para mag-celebrate ng New Year doon kasama ang kanyang pamilya. Sa Pilipinas daw sila mag-Christmas at aalis sila for HK on December 26 na birthday ng kanyang ina.

“Aalis po kami on December 26 papuntang Hong Kong para sa birthday ng mom ko. Gift ko iyon sa mommy ko para naman makapagbakasyon siya.

“The whole year kasi, pagod ang mommy ko sa pag-asikaso sa amin. This Holiday season naman, para sa kanya ito. Hindi siya magluluto on New Year’s Eve kasi on vacation siya,” ngiti pa ni EA.

Kung bibigyan nga raw ni EA ng regalo ang co-stars niya sa Kapuso primetime teleserye na sina Ken Chan at Rita Daniela, trip to Boracay daw ang bagay sa dalawa.

“Boracay trip para sa kanilang dalawa. Kasi kailangan nilang mag-relax. Sobrang workaholic kasi ‘yung dalawang ‘yon and sobrang busy sila kaya kailangan nila ng isang malupit na trip para ma-relax sila at makapag-unwind nang konti,” ngiti ni EA. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy