Una sa Balita

Ken, Rita madalas magkapikunan

0 279

Maganda ang naging chemistry nina Ken Chan at Rita Daniela sa “My Special Tatay na isang panghapong teleserye noon ng GMA at bonggang-bongga ang naging rating nito.

Kaya magmula noon ay nabuhay ang love team nina Ken at Rita na bawat programang kinabibilangan nila ay sila ang magka-partner. Sa katunayan ay may upcoming teleserye nila na mapapanood simula sa katapusan ng September.

Kasali rin sila sa “Studio 7” pero pansamantala silang nawala roon dahil kasama sila sa season 2 ng “The Clash” na magsisimula sa Sept 21.

Naging close sina Ken at Rita pero they are not romantically involved. Basta close lang sila dahil lagi silang magkasama. Gayun pa man ay may mga pikunan din ang dalawa paminsan-minsan.

Ayon kay Ken ay mas focus sila sa trabaho at malaking blessing ang dumadating sa kanila since pareho silang breadwinner. Mahirap daw kung may relasyon sila habang nagtatrabaho at kapag daw may tampuhan ay makakaapekto sa kanilang trabaho at madadamay pa ang iba sa production.

Kaya mas mabuti na lang daw na close lang sila at focus sa trabaho.

Isa si Ken sa naging masuwerteng alaga ni Kuya Germs bukod kina Jak Roberto at Sanya Lopez. Hindi raw niya inakala na after niyang manatili sa “Walang Tulugan with the Master Showman” ay mararating niya ang estado niya ngayon.

Bukod diyan ay cancer free na ang ama niya na matagal na nilang inaalagaan. Tuloy pa rin sila sa pag-aalaga at tuloy ang dasal para sa health ng ama niya.

Sa “The Clash 2” ay ise-share nina Ken at Rita ang mga backstage story ng mga clasher.

Dahil mabuting ina:Marian dumami ang endorsement

Dahil sa pagiging strong woman at well-known sa pagiging smart mother at loving wife ay kinuhang bagong Tough Mama endorser si Marian Rivera-Dantes. Nakitaan ng pamunuan ng Tough Mama ang pagka-dedicated mother at dedicated wife si Marian para i-endorse ang mga Tough Mama home products na bagay na bagay naman sa Kapuso Queen.

Hindi basta-basta tumatanggap ng endorsement si Marian kahit ang laki ng ibabayad sa kanya kung hindi siya bilib sa produktong pinapa-endorse sa kanya. Kaya naman nagpapasalamat sa kanya ang mga taong behind ng Tough Mama for accepting the endorsement.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy