Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ken, Rita ‘kinaiinggitan’ ng mga Kapuso star

0 78

Ang ingat sumagot nina Rita Daniela at Ken Chan sa tanong na napakasuwerte nila among Kapuso stars, dahil sa kanila napupunta ang mga challenging roles. Na ang mga pinapangarap lang ng karamihang artista na mga role ay sa kanila pinagkakatiwala ng GMA Network.

Katulad ngayon sa bago nilang GMA Afternoon Prime, ang “Ang Dalawang Ikaw” kung saan, sa trailer pa lang, kitang-kita na ang husay na ipinamalas ng RitKen sa first mature roles nila.

Kaya ang tanong nga namin sa kanila kung nararamdaman ba ni lana may mga ibang Kapuso star na naiinggit, nagseselos sa kanila.

“Ano ba ‘yun?” ang kinabahang reaksyon ni Rita.

“Wala naman, honestly,” sey naman ni Ken. “At ang nakakatuwa, hindi namin naramdaman ‘yun sa mga kapwa artista namin dito sa GMA. Never. Actually, lahat sila nagko-congratulate sa amin, lahat sila nagpi-PM sa amin.

“Kahit sina kuya Tom Rodriguez, ate Carla Abellana, minessage nila ko. Sina Kuya Dennis Trillo, sina Barbie Forteza, sina Julie Anne San Jose.

“Ang sarap sa pakiramdam na napaka-supportive nila at hindi ko nararamamdaman ang selos o ingot, wala po talaga.”

At sila rin naman daw, suportado nila ang mga proyekto ng ibang Kapuso stars.

Sa parte naman ni Rita Daniela, sobra itong na-touched nang lapitan siya ng actress na si Aiko Melendez nang minsang mag-guest ito sa All-Out Sundays.

Pero at first daw, nang tinawag ang pangalan niya ni Aiko, natakot daw siya dahil akala niya, sisitahin siya.

“Sabi niya, si Rita ba yun? Rita Daniela! Sabi ko, ‘yes po?’ Tapos sabi niya, ‘Congrats, ang ganda ng show mo, ha.’ Kinilig ako! Siyempre, Aiko Melendez yun.

“Tapos kinuwento pa niya na nag-comment pa raw siya sa fanpage ng GMA. Parang sabi niya, congrats in advance.”

At the same time, since marami na nga ang nababalitang lilipat na artista sa GMA mula sa ABS-CBN, hindi raw nila ito tinitingnan na threat kung hindi welcome na welcome raw sa kanila.

Sheryl super in love kay Jeric

Ang haba ng buhok ni Sheryl Cruz. Buong ningning niyang sinagot na “hindi ako loveless” nang tanungin namin.

Hindi raw siya loveless dahil ang daming nanliligaw sa kanya. Hindi rin niya itinatanggi si Jeric Gonzales na naging ka-loveteam niya sa Magkaagaw at mukhang nauwi nga sa totohanan.

Sey ni Sheryl about Jeric, “Very easy to like, very easy to love, very easy to fall in-love with. Lalo na kapag hinaranahan ka, ‘di ba?”

Pero madalang daw silang magkita at medyo matagal na rin daw ang last dahil nasa Batangas ito at nahihilig sa pagtatanim. Pero madalas naman daw silang magka-chat at nagkaka-communicate rin sa social media.

Pero kung sa mga artista, hindi lang si Jeric, si Anjo Yllana rin daw ay ever present sa buhay niya.

Nang tanungin nga namin kung sino ang mas matimbang para sa kanya—si Jeric o si Anjo, natatawang sabi ni Sheryl, “Siyempre, yung history namin ni Anjo, hindi ko yun pwedeng iisantabi.

“Pero ‘yung freshness na nararamdaman ko with Mr. Gonzales is very refreshing, ‘di ba? First of all, aminin na natin, when there’s someone young that comes into your life, kumbaga, he’s a breath of fresh air for me.

“And what I like on both of them is that, they don’t judge me. Ano man ang decision ko in my life na medyo hindi popular, kumbaga, hindi nila ko ro’n binabatikos, pinipintasan. They let me be who I am.”

Sa ngayon daw, kung sino ang talagang ibibigay sa kanya ni Lord na para sa kanya namamahalin at rerespetuhin siya.

Pero sey niya, career pa rin ang top priority niya kunsaan, being managed pa rin siya ni Rams David of Artist Circle at mapapanood siya ngayon sa Magpakailanman na gaganap sa totoong buhay ng isang aswang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.