Una sa Balita

Ken pa-fall sa girls

By
0 3

Inamin ni Ken Chan na naranasan na niyang­ mabigo sa pag-ibig. Masakit daw para sa isang tao ang umasa kaya ayaw raw niyang maranasan iyon ng ibang tao.

“Naranasan ko ma­ging pa-fall na hindi sinasadya, and umasa rin. Siyempre kapag nanliligaw ka umaasa ka. So, naranasan ko.

“Mas masakit ‘yung umasa syempre. Dahil kapag naging pa-fall ka, ikaw ‘yung nakakasakit. So, doon na lang ako sa umaasa. Para ako na lang ‘yung nasasaktan, ‘di ba?” sabi ni Ken.

Kaya sa pelikula nila ni Barbie Forteza na This Time I’ll Be Sweeter, hindi raw siya umasa na magiging girlfriend niya in real life si Barbie dahil alam niyang may nagmamay-ari na rito.

Inaalagaan na lang ni Ken ay ang magandang pagkakaibigan nila ni Barbie na unang nabuo noong nagsama sila sa TV show na Tween Hearts.

“Kasi kapag pinasok mo ‘yung isang relasyon, kunwari maging mag-on kayo, or na­ging to the next level na ang relationship ninyo, puwedeng bumagsak ‘yun, eh once mag-away kayong dalawa.”

Pero hindi raw mahirap­ mahalin ang isang Barbie Forteza.

“Siya ‘yung tipo ng babae na talagang madali kang mai-in love kasi maalaga siya sa mga lea­ding man niya. Siya ‘yung tipong maasikaso. Alam niya kung pagod ka na. Bibigyan ka ng kape. Bibigyan ka ng pagkain.

“So, talagang aalagaan ka niya. So, kahit sino na makaparehas ni Barbie, talagang madaling magkakagusto sa kanya.”