Una sa Balita

Ken Chan malaki ang gastos sa ama na maysakit

0 318

abante-talbog-joe-barramedaNapakasuwerte ni Ken Chan kumpara sa mga kasabayan niya sa showbiz. Halos lahat ng naging teleserye niya ay naging matagumpay at take note nagawa niyang gampanan ang mga kakaibang karakter gaya ng Destiny Rose, Meant To Be, The Cure at ngayon ay ang My Special Tatay na magpa-pilot sa Lunes ng hapon sa GMA bago mag Wowowin.

Kaya bilib na bilib ang mga boss ng network kay Ken maski ang direktor niya na si LA Madridejos na siya rin naging direktor niya sa Meant To Be.

Isang malaking blessing kay Ken ang pagdating ng project na My Special Tatay dahil nagkaroon ng mabigat na karamdaman ang kanyang ama na kailangan din ng mala­king halaga sa pagpapagamot nito.

Abante Hiring – IT dep

Hindi biro ang mga gastos sa treatment na kaila­ngan ng ama at kaya sobra ang pasasalamat ni Ken sa ating maykapal sa agad ang blessing na ito.

Nang nilisan ni Kuya Germs ang ating mundong ginagalawan ay nag-alala kami sa dami ng kanyang mga tinutulungan sa showbiz pero natuwa kami dahil lalo pa o naging maganda ang mga showbiz career ng marami niyang alaga at isa na nga si Ken Chan na very visible sa Walang Tulugan ng Master Showman noon.

Hindi pinabayaan ng GMA Network ang mara­ming alaga ni Kuya Germs na may mga potential na sumikat at mag-shine sa kanilang propesyon.

Benjamin nai-excite bilang Manuel L. Quezon

Masaya at excited ang Kapuso hunk actor na si Benjamin Alves dahil gagampanan niya ang karakter ng kanyang favorite Filipino hero sa upcoming period film na ‘Goyo: Ang Batang Heneral’.

Ibinunyag niya ring mabusisi ang kanyang naging paghahanda sa kanyang role bilang ang dating presidente na si Manuel L. Quezon tulad na lamang ng pagbabasa ng makakapal na reading materials tungkol sa bayani. Hindi na rin makapaghintay ang kanyang mga fan dahil tiyak nilang bagay na bagay kay Ben ang karakter ni Goyo!

Bukod dito, araw-araw inaabangan ng mga Kapuso viewer si Ben sa mor­ning drama series na Kapag Nahati Ang Puso.