Una sa Balita

Ken, Arnell tsinugi ng Facebook

By
0 927
 
abante-i-know-better-jun-nardo
 
Sa nakaraang announcement ng Facebook na meron silang tinanggal na account, ang umaray ay sina Arnell Ignacio at Kapuso actor na si Ken Chan.

 

Pareho silang clueless kung bakit nawala ang account nila. May pasu­bali naman ang FB na bisitahin ang Help Center nila kung na-disable ang account nila by mistake.
 
Inilabas ni Ken ang notice ng social media company sa kanyang Instagram kamakailan.
 
Bago sina Ken at Arnell, na-disable din ang account sa FB ni Direk Joey Reyes. Wala pa siyang tweet kung naibalik na ito.
 
 
 

Bela ipapareha sa Korean actor 

 
 
Matapos ang paandar ni Bela Padilla na two-track mini EP (extended play) ng kantang Fix You mula sa fo­reign band na Cold Play, sasabak naman siya sa gagawing movie under Reality Entertainment.
 
Inihayag ni Dondon Monteverde ng Reality Entertainment sa kanyang Instagram na sisimulan na ni Bela ang pelikulang “Ultimate Oppa.”
 
Ang director ng movie ay si Jade Castro at kabilang din sa cast si BJ Song ng Group 8.
 
Sa hashtag ni Dondon, nakalagay ang #filipinomovie # koreanmovie. Ibig sabihin ba nito ay may shooting ang movie sa South Korea?
 
Ang alam naming movie na gagawin ng Reality sa SK ay ididirek ni Erik Matti at kung natuloy ang negotiation sa Korean actor na si Gong Yoo, siya ang magbibida sa project, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy