Una sa Balita

Kelsey proud sa kanyang mga stretch mark

By
0 755

Binigyan ng pag-asa ni Kelsey Merritt ang kababaihan sa kakaibang pagtingin sa kanilang skin imperfection. Pinuri na naman ng kanyang mga follower sa Instagram ang Pinay International model sa pinoste nitong sexy pic na kuha mula sa kanyang photoshoot para sa Sports Illustrated Magazine Rookie.

Nakabalandra sa kanyang IG wall ang dalawang larawan niya sa isang bangka.

Ang unang photo ay naka-semi profile angle sa kamera habang nakatingin ito sa kamera. Nakalantad ang balakang at thigh part ng modelo sa high cut metallic gray one-piece bathing suit na mayroong print ng pangalan niya.

Sa nasabing photo malinaw na makikita ang mga stretch mark sa pigi ng Pinay pride, na napansin ng kanyang mga follower.

Nagpahayag ng kanyang kasiyahan si Kelsey sa na-accomplish niyang pictorial para sa naturang magazine kasunod ng pagpapasa­lamat niya sa nakasamang team.

Hindi nabanggit ni Kelsey ang tungkol sa kanyang mga stretch mark pero pinaniwalaan agad ng kanyang mga follower na sinadya niyang ibalandra ang mga ito para ipakitang hindi kakulangan ng ganda o kaseksihan ang pagkakaroon ng mga flaw sa balat.

Natuwa ang mga fan ni Kelsey na nagsasabing hindi pala nila dapat ikahiya o ika-conscious ang kanilang mga stretchmark sa pagsusuot ng mga sexy bikini, dahil ang world-class model mismo ay hindi nailang sa kanyang mga stretch mark.

@kdramavirus: “Love that you even flaunt your stretchmark! You’re such an inspiration to women.”

@cldnchls: “I love the fact that you didn’t photoshop your stretchmark yay Love youuu.”

@vermyvermz: “stretchmark? So what? Thanks for keeping it real Kelsey I enjoyed all your SI shoot posts. “

@mel_oppette: “Parang ang sexy na magka-stretchmark.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More