Una sa Balita

Kelsey Merritt inlabey sa gold medalist swimmer

0 565
 
tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloy
 
Isang award-winning gold medalist ang boyfriend ngayon ng Victoria Secret Pinay model na si Kelsey Merritt.

 

Ngayon unti-unti ipinaparamdam at ipinapakilala sa social media ni Kelsey ang nasabing American, na isang two-time gold medalist sa Olympics na si Conor Dwyer.

 

 

Sa isang post ni Kelsey sa kanyang Instagram account, makikitang nakasakay siya sa isang private plane at binanggit nitong kasama ay si Dwyer Conor.

 

@kelseymerritt, “Love a spontaneous trip @conorjdwyer.”

 

Nakasuot ng Tommy Hilfiger rubber shoes si Kelsey. Ito ang brand na iniendorso ngayon ni Dwyer at meron pa siyang TVC, o commer­cial ad.

 

Sa pag-search namin ng account ni Dwyer, makikita ang ilang larawan nila ni Kelsey na nagpapakita ng kanilang romantic moment.

 

Gaya na lamang ng isang photo kung saan nasa isang beach ang dalawa at nakayakap pa si Kelsey in a white bikini at nakasuot ng itim na jacket.
 
Angel ang tawag ni Dwyer sa kasintahang si Kelsey.

 

@conorjdwyer, “Congrats to my angel @kelseymerrit”.
 
Mababasa ang comment ni Kelsey na nagpahayag ng kanyang pagmamahal sa kasintahan.
@kelseymerrit, “I love you!!!!!”.
 
Bago ito nagposte si Dwyer ng larawan nila ni Kelsey na kuha sa red carpet Victoria Secrets show ng Pinay.
@conorjdwyer, “Can’t wait to see @kelseymerrit kill it tonight”.
 
 
 

Ai-Ai sinita ni Gerald sa paghuhubad

 
Biglang nag-alala si Ai-Ai De Las Alas sa kanyang pag­huhubad sa social media nang punahin siya ng kanyang asawang si Gerald Sibayan sa muling panggagaya nito kay Jennifer Lopez.

 

Sa pinaka-latest na impersonation ni Ai-Ai sa mga photo shots ni Jennifer, nag-two-piece string bikini ang komed­yante habang nakaupo sa isang stool o high chair.

 

Sa nasabing photo muling nagulantang ang mga supporter ng komedyante dahil sa pagiging daring­ niya ulit matapos siyang mag-half body nude sa kanyang posting na inspired pa 

 

Pinansin ni Gerald sa kanyang comment ang pagpapa-sexy ni Ai-Ai.

 

@gerald_sibayan, “Madam Good morning hahaha.  Ang aga naman niyan @msaiaidelasalas.  Grabe naman talaga ang asawa ko todo dn hahahaha”.

 

Sa kanyang reply, ipinaalala ni Ai-Ai na may basbas ng kanyang asawa ang pagpo-post niya ng kanyang sexy pic. 

 

At sinabi pang, hayaan na lang niya ito.

 

@msaiaidelasalas, “@gerald_sibayan hahahaha nagpaalam po ako sayo sir Gerald @gerald_sibayan pumayag po kayo hahahaha hayaan na darl.”

 

Maging ang panganay niyang si Sancho ay nag-react din sa pagiging palaban ng kanyang ina.
@sanchovito, “Grabe naman toh ma!!!”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy