Una sa Balita

Kelot tinarakan bago binasura

0 395

Nakabalot ng packa­ging tape ang ulo, naka­gapos ang kamay at paa, at may malalalim na saksak at pasa sa katawan. Ito ang kondis­yon ng isang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution nang matagpuan sa Quezon City kahapon.

Nakilala lamang ang biktima bilang Rico Buan dahil sa nakuhang identification card dito, tinatayang nasa edad 35 hanggang 40, may taas na 5’1”, at may ‘tribal’ tattoo sa kanan at kaliwang kamay.

Natagpuan ang bangkay dakong ala-1:50 nang madaling-araw sa madilim na bahagi sa Stud Farm na matatagpuan sa Carlos P. Garcia Ave., Barangay UP Campus, QC.

Nagpapatrolya umano ang mga tanod sa nasabing lugar nang maispatan ang bangkay ng biktima.

Agad silang humingi ng res­ponde sa pulisya na nag-iimbestiga na sa krimen. (Dolly C­abreza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy