Una sa Balita

Kelot timbog sa sextortion

By
0 504

ARESTADO ang isang lalaki sa isinagawang entrapment operation ng Anticyber Crime Group (ACG) ng Philippine National Police (PNP) matapos nitong hingan ng pera ang isang 25-anyos na dalaga na kanyang nakilala sa Facebook kapalit ng hindi paglabas ng mga hubad na larawan nito kamakalawa sa Mandaluyong City.

Hindi na nakapalag nang arestuhin ng PNP-ACG na pinamumunuan ng team leader na si Chief Insp. Joel Tuttuh ang suspek na nakilalang si Waren Sacluti, nasa hustong gulang, at residente ng Sitio Mahogany, Barangay Cabanbanan, Pagsanjan, Laguna.

Nadakip si Sacluti dakong alas-9:20 nang uma­ga kamakalawa sa loob ng isang money remittance center sa Boni Highway, Mandaluyong City matapos nitong kunin ang halagang P3,000 na kanyang hiningi sa 25-anyos na dalagang biktima na residente ng Las Piñas City, kapalit ng hindi nito pagpapalabas ng mga hubad na litrato nito sa FB.

Sinampahan ng kaukulang kaso ang suspek habang kasalukuyang nakakulong ito sa PNP-ACG headquarters sa Camp Crame.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy