Una sa Balita

Kelot sinimento sa drum sa Tondo

By
0 497

NATAGPUAN ang isang hindi nakikilalang bangkay ng isang lalaki na nakasemento sa loob ng drum, kahapon nang umaga sa ilalim ng tulay sakop ng Road 10, Tondo, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District-Police Station 1 (MPD-PS1), dakong alas-10:30 nang umaga nang i-report sa pulisya ni Edcel Dillo, isang basurero.

Ayon kay Dillo, lumalangoy siya nang mapansin niya ang isang drum at nang tingnan ang drum ay nakita niya na may nakasementong lalaki.

Kaagad niya itong sinabi kay Nilo Lemocso, barangay tanod ng Brgy. 101 na siyang tumawag sa pulisya.
Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na dinala sa Cruz Funeral para sa safekeeping at awtopsiya.