Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kelot pisak sa backhoe

0 109

Todas ang isang lalaki na nabagsakan ng isang bahagi ng backhoe sa isang construction site sa Asuncion, Davao del Norte noong Martes.

Natukoy ang pumanaw na si Rolando Dula, ang 34-anyos na backhoe operator sa construction site sa Purok 4, Barangay Cambanogoy.

Ayon sa saksi at kasamahan ni Dula, may inaayos ng biktima ang bahagi ng backhoe nang malaglag ang vibro hammer nito at tumama sa ulo ng lalaki.

Isinugod ang obrero sa pagamutan pero dead-on-arrival na siya.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang kaukulang kompanya sa insidente. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.