Una sa Balita

Kelot pinosasan, binoga sa Caloocan

0 323

MALAMIG na ­bangkay na nang matagpuan ang isang lalaking naka-­posas na umano’y pinagbabaril ng riding-­in-­tandem sa Caloocan City, Linggo ng gabi.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 30-40, naka-suot ng puti at asul na t-shirt. Sa pagsusuri ng Scene on the Crime Operatives, nagtamo ito ng tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo at katawan.

Sa pahayag ng ilang residente, alas-11:40 ng hatinggabi, naka­rinig sila ng apat na ­sunod-sunod na putok ng baril sa Brgy. 171, ­Bagumbong, North Caloocan City.

May nakita ­silang dalawang lalaki na magka-angkas sa ­motorsiklo at may mga takip ang mukha habang ­lumalabas sa gate ng nasabing subdibisyon.
Matapos nito, ­tumambad sa kanila ang bangkay.

Nakuha rin ng awtoridad ang isang plastic sachet ng shabu na tinakpan ng jacket at apat na basyo ng bala ng baril sa tabi ng bangkay.

Pahirapan daw ang pag-monitor sa mga pumapasok sa subdivision lalo’t tagusan ito ng mga patungo sa Bagong Silang sa Novaliches at Meycauayan, Bulacan.

Hinala ng pulisya, kasama ng mga suspek ang biktima at sa nasabing lugar na ito pinagbabaril. (Orlan Linde)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More